PITONG ARAL SA PITONG TAONG PAGTATRABAHO

Patapos na naman ang taon. At ngayon, narealize namin na pitong taon na pala kami nagttrabaho. Ambilis! As in sobrang bilis! Di mo mapapansin ganun lang lumilipas ang panahon.

Andaming nangyari. As in sobrang dami.

At sa sobrang dami, pinili naming maigi yung pitong aral na aming natutunan sa pitong taon naming pagiging empleyado. Narito:

1. Wag ka matakot magkamali.

Ayuun, hindi naman pala talaga bawal magkamali. Akala namin nung una, 2011, bawal magkamali. I mean, nakakatakot magkamali kasi baka mapagalitan ka ng boss or ng Manager. O kaya baka bigla kang tanggalin, eh kakastart mo lang.  Mahirap maghanap ng trabaho. Lalo kung madaming umaasa sayo or kung ikaw ay isang breadwinner.

Pero hindi naman pala yun ganun. Sa katunayan, every mistake you commit is a lesson step ahead of your goals. Yung pagkakamali mo, mahirap makalimutan. At yung mga pagkakamaling yun, pwede mong gawing reference in the future. Hindi mo na sya uulitin because you know its consequences.

Don’t be afraid of the people, situation or anything’s bothering you.

2. Matuto kang makisama at imaster mo ang iyong sarili.

 Sa employment, iba’t ibang klase ng tao ang makakasama mo. May mabait, may masungit, may maarte, may maganda, sexy, matalino, sarcastic at kung ano ano pa. Pero ang puno’t dulo lang naman nito ay magkakaiba tayo at may mga pagkakataon na pag nagharap harap tayo eh hindi tayo magsaswak or magkakasundo sundo.

Natutunan namin na dapat marunong kang makisama. Tantyahin mo din yung mga tao sa paligid mo para maging maayos ang trabaho.

Kelangan imaster mo yung sarili mo, on how are you going to manage and carry yourself. Remember, everything you say and do, all reflects to you.

MGA ARAL SA PAGTATRABAHO

Real friends can be found at office din naman. 😀

Making friends will always be grateful!

In relation to number 2, dapat…

3. Learn to say No.

Dapat pala marunong din tumanggi. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kelangan mong umoo. Kung ano yung task mo, yun muna ang gawin mo. Dahil kung tatanggapin mo lahat baka hindi mo din yan matapos. In the end, ikaw pa may kasalanan.

Learn to say No properly and nicely.

Prioritize yourself.

Isa isahin mo lang yung task para hindi ka malito. Don’t be afraid.

4. It’s not about the company, it’s about your personal goals.

Malaking bagay yung makapasok ka sa isang malaki at stable na kumpanya. Malaki ang sweldo at maganda ang benepisyo,  pero we think that what really matter are the reasons behind why you are working. Para saan ba ito?

Bakit ka ba nagttrabaho?

Think of your goals.

Do you see yourself five to ten years from now still working as an employee?

Or do you see yourself retiring early, jump into another field or career?

What ‘s your real purpose?

Think about it.

What’s your longterm plan? What’s your life goals?

5. Master Time Management.

Eto aaminin namin na mahirap talagang gawin until now, pero once nagawa mo, it’s very rewarding. Dapat marunong tayo magmanage ng oras. Kapag naayos mo ang mga to-do list mo for the day or week mas maganda. Mas organize ka, mas masasatisfy ka sa mga nagawa mo at nakikita mo ang resulta. Bukod dun, hindi ka din masyado mapapa overtime. Tandaan, mayroon din tayong buhay sa labas. Hindi umiikot and ating mundo upang magtrabaho. Hence, nagtatrabaho tayo para mabuhay.

Go home on time and bond with friends or family. Life is short!

Calaguas Island, Vinzons, Camarines Norte. Yung derecho ka na sa destination after work. Make time! 😀

MGA ARAL SA PAGTATRABAHO

Gala with family. Catherine’s Bagasbas, Daet, Camarines Norte

Mt. Maynuba-Cayabu + Wonder Falls with friends 😀

Hindi naman tayo nagsisiksikan sa kabilang gilid mga beshies! Mt. Ulap, Itogon Benguet 😀

6. Wala palang 100% job security.

Nung fresh graduate kami, akala namin yun na yung simula. Akala namin when you get a job, boom! You’re going to be successful. When you get a job, you will be happy as always and dere derecho na. But it’s not. When you get a job, you just get a job. Meron tayong mga nakita at nakasama pero ung iba nawala na. Anytime, yung trabaho naten pwedeng mawala. It can be today or even tomorrow. Since we are an employee, all decision comes to the owner. So kung anong gustong gawin nung owner, magrelay man sila or magsara, they have the right and all we need is to follow.

At dahil walang 100% job security, natutunan namin na kailangan prepared tayo palagi. Natuto kaming magipon at higit sa lahat, maginvest. Hindi pwedeng one-time millionaire tayo. Kung pepwede, magextra work ka, side hustle kumbaga. Dapat palaging may plano.

MGA ARAL SA PAGIGING EMPLEYADO

We attend trainings. Passive Income Conference by The Global Filipino Investors #TGFIed where we learned different investment vehicles. 🙂

MGA ARAL SA PAGIGING EMPLEYADO

Freelancer for Beginners with Marv de Leon and Manila Workshop where we learned to optimize our skills. Pwedeng imaximize as side hustle. 🙂

At ang panghuli… Syempree…

7. Maging thankful ka palagi dahil may trabaho ka.

Dahil sa pressure, stress, workload, mga katrabaho mo, iniisip mo outside work, mga nangyayari sa buhay mo at lahat lahat na, may mga pagkakataon na minsan nagiging negative ka na. Parang minsan gusto mong isumpa yung trabaho mo. Minsan nga umiiyak ka pa eeh! Umamin ka! HAHA!

Whatever it takes, still, dapat maging thankful ka palagi. Because of your work, you were able to do the things you want. The things that you need and the things that you desire.

Be thankful that you have the guts to work, you are fit and were able to deliver.

MGA ARAL SA PAGTATRABAHO

Always claim that you are blessed!

You don’t need other people to make you realize that you are blessed.

Because you really are!

Ikaw, ilan taon ka ng nagtatrabaho? Ano ano na ang mga natutunan mo? Icomment mo na dito.  🙂

  •  
    564
    Shares
  • 564
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply